Sabado, Hulyo 26, 2014

MGA SINAUNANG KABIHASNAN

Mga Sinaunang Kabihasnan

Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mgasibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng mga Sumeryo saMesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mgaSapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka).
Sa makabagong panahon, tinatawag na sinaunang mga sibilisasyon ng mga tao ang mga kabihasnang ito dahil iniisip nila ang mga daang taon bago dumating ang 500 AD. Ngunit kasama talaga sa sinaunang mga panahon ang karamihan sakasaysayan ng tao. Tumanda o naging sinauna ang kabihasnan kahit na sa loob ng panahon ng itinuturing ngayon ng makabagong mga tao bilang sinaunang mga kapanahunan. 

Kabihasnang Mesopotamia

mesopot_map_med
Mapa ng Iraq

— mula sa salitang Griyego na meso na nangangahulugang “gitna” atpotamos na nangangahulugang “lupain” – lupain sa pagitan ng dalawang ilog.– tinaguriang “cradle of civilization” dahil sa agrikultura at pag-aalaga ng mga hayop na umunlad higit sa anumang  kabihasnan sa daigdig
– ang IRAQ sa kasalukuyan

Mga Sinaunang Kaharian Sa Mesopotamia

Pangkat ng Tao na Nanirahan

Mga Ambag

Sumerian

  • Unang pangkat ng tao na nanirahan sa Mesopotamia
  • Sila ay mga polytheist – naniniwala sa maraming diyos
  • Unang gumamit ng gulong
  • Pandigmang chariot
  • Cuneiform – isang sistema ng pagsusulat
    CuneiformTablet
    Cuneiform Tablet
  • Ziggurat 
    images (17)
    Ziggurat (Ur)

Akkadian

  • Pinamunuan ni Haring Sargon
  • Ang kauna-unahang nakapagtatag ng imperyo sa kasaysayan ng daigdig

Babylonian

  • Pinamunuan ni Hammurabi
  • Kinikilalang pangunahin at pinakamakapangyarihang diyos si Marduk
  • Code of Hammurabi – ang kauna-unahang nakasulat na batas sa kasaysayan   dito nakalimbag ang mga detalye at legal na desisyon ni Hammurabi
“mata sa mata, ngipin sa ngipin’images (18)

Hittite

  • Mga kilalang grupo ng taong unang gumamit ng bakal na armas
  • Binibigyang-diin nila ang pagbibigay ng bayad-pinsala kaysa parusang pisikal
  • Kauna-unahang nakadiskubre ng bakal
  •  unang nakadiskubre ng bakal
  • naimbento ang chariot

Assyrian

  • Isang estadong-militar ang Assyria
  • Sinasabing pinakamalakas at pinakmabagsik na mandirigma kaya sila kinatatakutan
  • Ashurbanipal II – kilalang pinakamalupit, marahas ngunit pinakamabisang pinuno ng mga Assyrian
  • Lungsod ng Nineveh – naging simbolo ng katayugan at kalupitan ng mga Assyrian

Chaldean

  • Nagmula sa angkan ng mga Babylonian
  • Pinamunuan niNebuchadnezzar
  • Hanging Garden of Babylon — ito ay terraceng mga halaman at bulaklak na ipinatyo ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa
    Hanging_Gardens_of_Babylon
    Hanging Garden of Babylon

Persian

  • Pinasimulan ni Cyrus the Great
  • Kinilala ang mga Persian ilang mahuhusay at bihasang administrador
  • Darius – pinakadakilang hari ng mga Persiano
  • Xerxes
  • Zoroastrianismo – relihiyon ng mga Persian na ipinakilala ni Zoroaster, naniniwala na ang tao kumokontrol sa kanyang kapalaran
    • Ahura Mazda – kinikilalang diyos ng kaliwanagan
    • Ahriman – kinikilalang diyos ng kasamaan at kadiliman

Phoenician

  • Isa sa mga tribong Semitic na sumikat sa baybayin ng Mediterranean Sea
  • Kilalang mahuhusay na manggagawa ng gamit na yari sa metal
  • Tinaguriang dakilang mangangalakal ng sinaunang panahon
  • Alpabeto – napapalooban ng tunay na 22 katinig na alpabeto, Aleph ang unang letra ng mga Phoenician

Hebreo

  • Palestine – tahanan ng mga Hebreo
  • Kilalang gala noong unang panahon
  • Haring Saul – popular na hari
  • Kodigo ng Batas ng mga Jews – ang Sampung Utos ng Diyos
  • Lumang Tipan (Old Testament)
  • Monotheism – paniniwala sa iisang Diyos

Kabishasnang Akkadian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Akadyano)
Akkadian Empire
Empire
2334 BC–2154 BC
Location of Akkad
Map of the Akkadian Empire (brown) and the directions in which military campaigns were conducted (yellow arrows)
KabiseraAkkad
(Mga) wikaAkkadianSumerian
RelihiyonSumerian religion
PamahalaanMonarchy
King
 - 2334 BCSargon of Akkad
Panahong pangkasaysayanAncient
 - Established2334 BC
 - Disestablished2154 BC
Lawak
 - 2334 BC[1]800,000 km²(308,882 sq mi)
Noong 3000 BCE, may umunlad na isang malapit na symbiosis sa pagitan ng mga Sumerian at mga Akkadian na Semitiko na kinabibilangan ng malawak na bilingualismoUnti unting pinalitan ng wikang Akkadian ang Sumerian bilang sinasalitang wika sa isang lugar sa pagtungo sa 3000 BCE at 2000 BCE.  Naabot ng imperyong Akkadian ang tugatog na pang politik anito sa pagitan ng 2400 at 2200 BCE kasunod ng mga pananakop ng tagapagtatag nitong si Sargon ng Akkad(2334–2279 BCE). Sa ilalim ni Sargon at kanyang mga kahalili, ang wikang Akkadian ay sandaling inatas sa mga kapitbahay na sinakop na estado gaya ng Elam. Ang Akkad ay minsang itinuturing na unang imperyo sa kasaysayan bagam may mga mas naunang nag-aangking Sumerian.Ang Imperyong Akkadian IPA/əˈkeɪdiən/[2] ang imperyo na nakasentro sa siyudad ng Akkad IPA/ˈækæd/ at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala. [4]


Kabishasnang Asiria

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Asiryo)

Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa. 
Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Asiria ay isang rehiyon sa Ilog ng Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (AkkadianoAššurHebrewאַשּׁוּר Aššr,ArameoAṯr). Di-naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Matabang KresyenteEhipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawagang "mismong Asiria" sa hilagang hati ng Mesopotamya (ang timog na hati ay ang Babilonya na ang Nineveh ang kabisera).
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Asirio ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariang Matanda(ika-20 hanggang ika-15 dantaon BK), Gitna (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BK), at Neo-Asirio(911-612 BK), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.


Kabishasnang Babilonya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Babilonyo)
Para sa ibang gamit, tingnan ang Babilonya (paglilinaw).
Sinaunang
Mesopotamya
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve
Ang Babilonya o Babilonia ay isang makasaysayang lungsod-estado na naging imperyo saGitnang Silangang Asya. Isa itong lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al HillahLalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

Kasaysayan[baguhin]

Paglusob sa mga Hebreo[baguhin]

Sa Bibliya, pagkatapos ng kamatayan ni Haring Solomon nilusob at sinira ng mga Bibilonio (mga mamamayan ng kabiserang lungsod na ito) na pinangungunahan ni Nebuchadnezzar - ang Jerusalem, at nagtangay din sila ng maraming mga mamamayang ginawang mga bihag. Sa kalaunan, naging sagisag sa mga pahina ng Bibliya ang Babilonya na anumang makapangyarihan at makasalanang lungsod, o maging ng anumang gawing pangkaisipan na laban at labag sa kalooban ng Diyos.[2]

Ang mapa nang unang dinastiya ng Babilonya.

Pagiging Persang Babilonya[baguhin]

Bumagsak ang Imperyong Babilonya nang mapasakamay ito ni Haring Cyrus (o Cyrus the Great) ng Persiya noong 539BCE. Pagkatapos magapi ang Babilonya, pinakawalaan ng hari ang mga Hebreo na nadakip sa pagsugod ng dating haring Nebuchadnezzar. Ang Babilonya ang huling imperyong natatag sa Sinaunang Mesopotamya. Dahil kontrolado ng Persiya ang imperyo, tinawag na itong Persang Babilonya. Ang huling pinuno ng imperyo ay si Philip II Philoromaeus; tuluyang bumagsak ang imperyo sa pananakop ng mgaRomano.

ANG KABIHASNANG EGYPT

Picture
    Ang Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil sa ilog na ito, ang buong lupain ay nagging disyerto. Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog na ito.

ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt. Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea

URI NG TAO SA LIPUNANPharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento